Sunday, August 9, 2009

salamin ng buhay

bakit kaya ganito ang buhay,'di lahat pantay-pantay,mga pangyayari'y di mahulaan.parang ulan na pabugso-bugso,ang mga surpresang pumaparito.

di malaman ang gagawin,taranta'y di mapawi.sino ba sa ati'y laging handa,sa mga unos na paparating na.

kung minsan,di ko rin maipinta ang mga nilalang.may mga totoo,may mga nagbabalatkayo.kala mo'y kaibigan,yun pala'y kalaban.

sa mundong ating ginagalawan,kelan tayo makakaranas ng kaginhawaan?sa aking palagay,tayo lamang ay mapapalagay kung tayo'y isa ng malamig na bangkay.

kasiyahan,isang salitang madaling bigkasin ngunit mahirap maatim.kalungkutan,salitang iniiwasan ngunit nangyayari pa rin.kapayapaan,kasaganaan,katiwasayan.mga salitang malabo nang makamit para sa ibang nilalang.buti na lamang ang mga yumao,di na humihinga'y masaya pa rin ang pamumuhay.