Sunday, September 6, 2009

It's A mother-Daughter Affair











Last August 28,2009,I made a big difference in my life. Dati kasi,bahay,school,bahay,school lang ako.Pero that day,nag-iba ang theme ng buhay ko.Niyaya kasi akong manood ng concert sa Araneta ng mommy ko.I was surprised kasi tinreat nya ako.That's all I need right now.Yung makapag-unwind and to explore things bago pa man mahuli ang lahat.Ang pinanood nga pala namin ay,:ASAP Sessionistas.Sina,Richard Poon,Sitti,Duncan,MYMP,Aiza Seguerra & Nina.Grabeh,sobrang galing nilang kumanta.Kaso ang nakakainis,nakalimutan namin ng nanay kong magdala ng digi cam.Kaya cellphone na lang ang ginamit ko.Ang pangit tuloy ng kuha.O sya,sige na.eto na nga pala yung mga pics from the concert.

Sunday, August 9, 2009

salamin ng buhay

bakit kaya ganito ang buhay,'di lahat pantay-pantay,mga pangyayari'y di mahulaan.parang ulan na pabugso-bugso,ang mga surpresang pumaparito.

di malaman ang gagawin,taranta'y di mapawi.sino ba sa ati'y laging handa,sa mga unos na paparating na.

kung minsan,di ko rin maipinta ang mga nilalang.may mga totoo,may mga nagbabalatkayo.kala mo'y kaibigan,yun pala'y kalaban.

sa mundong ating ginagalawan,kelan tayo makakaranas ng kaginhawaan?sa aking palagay,tayo lamang ay mapapalagay kung tayo'y isa ng malamig na bangkay.

kasiyahan,isang salitang madaling bigkasin ngunit mahirap maatim.kalungkutan,salitang iniiwasan ngunit nangyayari pa rin.kapayapaan,kasaganaan,katiwasayan.mga salitang malabo nang makamit para sa ibang nilalang.buti na lamang ang mga yumao,di na humihinga'y masaya pa rin ang pamumuhay.

Saturday, July 25, 2009

sagala '09 pics





Sikatuna Village,Q.C. Santacruzan 2009

Hay,sarap talaga ng feeling nang naaabot mo mga pangarap mo!Alam nyo ba na matagal ko nang pinapangarap makasali sa Santacruzan. Noon,ayaw kasi ni ina kaya wala akong magawa.Pero ngayon, I'm ready and I did,yeah!^_^.Maraming nakakakilala sa kin na 'di alam na naexperience ko nang maging sagala.Ang sarap kaya nang feeling na hinihiyawan ka ng mga taong nakapaligid sa labas ng kalsada habang sinasagala ka.Syempre pagdating sa outfit, 'di nagpatalo lola nyo.Kaso ang naisuot ko dilaw,ayaw ko kasi nun.Red is my favorite color.Nung una syempre medyo kinakabahan kasi first time ko nga lang,pero yung nagstart na yung santacruzan,ayun may momentum at confidence na ko.Syempre 'di mawawala sa tabi ko ang stage mother ko.Pati si kuya.Full force ang buong pamilya namin that time.May isa ngang sagala napagkamalan akong reyna elena,sabi ko sa kanya,mukha lang,pero hindi.Ang ginampanan ko sa sagala ay ai Sta.Maria de Bertania,kapatid ni San Lazaro.Nung una sabi sa kin ang gagampanan ko ay si Maria Magdalena.Nung nalaman ko yun,sabi ko sa sarili ko,"Mukha ba akong Prosti para maging si Magdalena?".Buti na lang at napalitan.Pero ok din sa kin kung ako ang maging Magdalena para kontrobersyal ang dating.Tumagal ng halos tatlong oras yung sagala,sumakit ng todo ang paa ko.One inch ang takong ko pero sumakit kagad.'Di kasi ako sanay magtakong.May isa akong kaklase na nakatira sa barangay Sikatuna.Nung dumaan na ang prusisyon sa kalye nila,nang makita ako biglang sumigaw sya nang,"Yung nakadilaw ang ganda!".Nagtinginan yung mga tao tuloy sa kin.Syempre naflattered ako.Sabi ko sa sumigaw,"wag ka ngang maingay.parang ngayong ka lang nakakita ng maganda,ah"JOKE!At the end of the night,binigyan ako ng certificate of participation sa aming simbahan.At umuwi at natulog ako ng masaya at mahimbing.^_^